“Strengthening the Skills and Competencies Training” isinagawa ng Santa Rosa CCPS para sa mga Barangay Tanod sa Batangas
Nagsilbing resource speaker si PLTCOL JOHN PAOLO V CARRACEDO, Chief of Police ng Santa Rosa Component City Police Station (CCPS), sa isinagawang Strengthening the Skills and Competencies of Barangay Tanods in Maintaining Peace, Order, and Public Safety noong Hulyo 23, 2026 sa Balai Isabel, Talisay, Batangas.

Tinalakay ni PLTCOL CARRACEDO ang mahalagang papel ng mga Barangay Tanod at BPAT bilang katuwang ng pulisya sa pagpigil sa krimen, agarang pag-uulat ng kahina-hinalang aktibidad, at pagpapanatili ng seguridad sa komunidad. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag laban sa iba’t ibang uri ng krimen, kabilang ang ilegal na droga, sugal, at cybercrime.

Kasunod nito, ginawaran ng Certificates of Appreciation ang mga natatanging Barangay Tanod na naging malaking katuwang sa pagkakaaresto at maayos na pag-turnover sa pulisya ng mga indibidwal na may umiiral na CIRAS records. Ipinakita ng aktibidad ang matibay na ugnayan ng PNP at BPATs sa pagsusulong ng mas ligtas at mapayapang komunidad sa Santa Rosa City.