Lopez MPS, Nakiisa sa Coconut Tree Planting Activity para sa PCR month at National Disaster Resilience Month 2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Police Community Relations (PCR) Month at National Disaster Resilience Month 2026, aktibong nakilahok ang mga tauhan ng Lopez Municipal Police Station (Lopez MPS) sa isinagawang Coconut Tree Planting Activity sa Barangay Mal-ay, Lopez, Quezon.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga residente at opisyal ng Barangay Mal-ay, Army Reservists, Air Force Reservists, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at mga mag-aaral mula sa PUP-Lopez at PCA Lopez. Layunin ng programa na mapangalagaan ang kalikasan, mapalawak ang kamalayan ng komunidad hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran, at makatulong sa pagpapalakas ng katatagan ng mga pamayanan laban sa epekto ng mga sakuna.

Ipinakita ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan, kapayapaan at kaayusan, at disaster resilience. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na isinusulong ang pagbuo ng isang mas ligtas, mas luntian, at mas matatag na pamayanan.