79th IB, nagsagawa ng tree growing activity sa Calatrava, Negros Occidental

0
viber_image_2026-08-10_11-34-35-199

Sa layuning palakasin ang pangangalaga sa kalikasan at isulong ang sama-samang pagkilos para sa isang mas luntiang komunidad, pinangunahan ng 79th Infantry (Masaligan) Battalion, Philippine Army ang isang Tree Growing Activity sa Brgy. Hilub-ang, Calatrava, Negros Occidental, dakong 8:30 ng umaga noong Agosto 9, 2026.

Nakibahagi sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company (1st NOcPMFC) sa pangunguna ni PMAJ Hancel P. Lumandaz, Deputy Force Commander, kasama ang Philippine Army, Calatrava LGU, DILG Calatrava, Calatrava MPS, Hilub-ang Barangay Council, at iba’t ibang community at private-sector partners.

Kabilang sa mga naging katuwang sa aktibidad ang Team Binuligay, Felix G. Yusay Foundation, Dra. Vicky Basiao-Mirar, 1st NOcPMFC Advisory Group, Association of Negros Producers, at SPAG-Asa Family, na sama-samang nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang layunin ng programa.

Layunin ng tree-growing activity na makapag-ambag sa rehabilitasyon at pangangalaga ng kapaligiran, mapalawak ang kamalayan sa environmental stewardship, at mahikayat ang komunidad na makilahok sa mga programang nagtataguyod ng pangmatagalang pangangalaga sa kalikasan.

Higit sa pagtatanim ng mga punla, nagsilbi rin itong simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga government agencies, uniformed personnel, pribadong sektor, at komunidad.

Ang bawat punong itinanim ay kumakatawan sa sama-samang pananagutan na protektahan ang kalikasan at mag-iwan ng mas malinis, mas luntian, at mas ligtas na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *