Pagkakaisa para sa kalusugan at drug-free na pamayanan, isinulong sa matagumpay na BIDA Convergence cum Blood Letting Activity ng TCCPS

0
viber_image_2026-08-09_13-58-43-055

Bilang suporta sa kampanya laban sa ilegal na droga at pagsusulong ng pangangalaga sa kalusugan ng komunidad, matagumpay na isinagawa ng Tuguegarao City Component Police Station (TCCPS) ang BIDA Convergence cum Blood Letting Activity sa TCCPS Covered Court noong Agosto 6, 2026.

Nakiisa sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, volunteer organizations, at mga residente upang isulong ang adbokasiyang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA)” at palakasin ang kamalayan ng publiko sa drug prevention at pangangalaga sa kalusugan.

Katuwang ng TCCPS ang mga partner agencies at stakeholders sa information dissemination tungkol sa drug prevention, health awareness, at iba pang serbisyong pangkomunidad. Isinagawa rin ang blood letting activity, kung saan nagboluntaryong nag-donate ng dugo ang mga kalahok bilang ambag sa pagpapanatili ng sapat na suplay para sa mga nangangailangan.

Binigyang-diin ng TCCPS na mahalaga ang pagtutulungan ng kapulisan, pamahalaan, at komunidad sa pagsusulong ng kalusugan, kapayapaan, at seguridad. Patuloy nitong isinusulong ang mga programang naglalayong makabuo ng ligtas, malusog, at drug-free na pamayanan.

Source: PNP Tuguegarao CCPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *