BPATs, nakiisa sa paglunsad ng JBM Patrol System ng PRO 3
Nakiisa sa ppaglunsad ng Police Regional Office 3 (PRO3), sa pamumuno ni PBGEN Jess B. Mendez, Regional Director ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa JBM Patrol System noong Agosto 12, 2026, bilang bahagi ng pagpapalakas sa ugnayan ng pulisya at komunidad at pagpapaigting ng proactive crime prevention sa Central Luzon.
Ang Joint Police and Barangay Peacekeeping Action Teams Mobilization Toward Crime Prevention and Detection in Central Luzon (JBM Patrol System) ay naglalayong pagsama-samahin ang mga tauhan ng pulisya, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), mga opisyal ng barangay, Local Government Units (LGUs), Department of the Interior and Local Government (DILG), at iba pang stakeholders.
Sa pamamagitan ng mas visible na police patrols, mas mabilis na pagpapalitan ng impormasyon, maagang pagtugon sa mga posibleng banta, at mas malapit na pakikipag-ugnayan sa publiko, layunin ng programa na mapalakas ang seguridad at mapigilan ang krimen sa mga komunidad.
Ayon kay PBGEN Mendez, higit pa sa pagpaparami ng police presence ang programa. Nakatuon ito sa pagbuo ng matibay na partnership sa pagitan ng pulisya at mamamayan upang makamit ang konkretong resulta sa bawat komunidad.
“I want our people to see their police, know their police, and trust their police.” saad ni PBGEN Mendez.