San Fernando MPS, nagbigay seguridad sa mapayapang Anti-Mining Assembly sa Romblon
Nagpatupad ang San Fernando Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Romblon Provincial Mobile Force Company (PMFC), ng police security at visibility operations para matiyak ang mapayapa at ligtas na pagdaraos ng anti-mining assembly sa Barangay Poblacion noong Agosto 28, 2026.

Tinatayang 100 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo upang ipahayag ang kanilang pananaw hinggil sa pagmimina sa Sibuyan Island. Nanatiling propesyonal at walang kinikilingan ang kapulisan habang iginagalang ang karapatan ng mga mamamayan sa mapayapang pagtitipon at pagpapahayag.
Natapos ang aktibidad nang maayos dakong 12:52 ng tanghali at walang naitalang hindi kanais-nais na insidente. Patuloy namang tiniyak ng Romblon Police Provincial Office ang seguridad at kaayusan sa mga pampublikong pagtitipon habang pinangangalagaan ang karapatan ng mamamayan.