Awareness Lecture, isinagawa sa Palawan City

0
Screenshot-2026-10-11-133810

Patuloy na isinusulong ng Magsaysay Municipal Police Station (MPS), sa pangunguna ni PCPT Eric G. Dalisay, Officer-in-Charge, ang kampanya laban sa karahasan upang mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan sa komunidad.

Hinihikayat ng Magsaysay MPS ang publiko na iwasan ang anumang uri ng karahasan, kabilang ang pananakit, pambubully, at pang-aabuso. Pinayuhan din ang mga biktima at saksi na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang insidente upang mabigyan ng kaukulang aksiyon at proteksiyon.

Binigyang-diin ng himpilan ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pulisya at mamamayan sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *