Cebu City Police Office, Grab at Move It, nagsagawa ng Joint Community Outreach Program
Pinaigting ng Cebu City Police Office (CCPO), sa pamumuno ni PCOL Ricky C. Sumalde, ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor at komunidad sa pamamagitan ng Joint Community Outreach Program and Community Engagement Activity noong Oktubre 8, 2026, sa Purok 8, Kamputhaw Gymnasium, Cebu City.

Pinangunahan ng City Community Affairs and Development Unit (CCADU), sa pamumuno ni PMAJ Marvin B. Fegarido, ang aktibidad katuwang ang Grab at Move It Visayas upang maghatid ng tulong sa mga bata at palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad. Dumalo rin sina Cebu City Councilor Harold Go, Kamputhaw Barangay Chairperson Jessica P. Cadungog, at iba pang kinatawan ng pamahalaan at pribadong sektor.

Binigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pulisya, lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at mamamayan sa pagsusulong ng kapayapaan, kaligtasan, at kapakanan ng mga bata. Tiniyak naman ng CCPO ang patuloy na pagsuporta sa mga programang naglalayong palakasin ang tiwala ng publiko at isulong ang serbisyong pulis na malapit, maaasahan, at tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.