Seguridad sa paaralan, pinaiigting ng Paglat MPS kaisa ang BPATs

0
840499166_3677719799071072_2291729745116317521_n

Bilang pagsunod sa Memorandum Circular ng DILG hinggil sa pagpapalakas ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at sa Memorandum Circular ng PNP tungkol sa Ligtas Balik-Eskwela, nagsagawa ang mga tauhan ng Paglat Municipal Police Station ng pagpapatrolya at pagbabantay sa paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at mga pasilidad ng paaralan bandang 6:30 hanggang 7:30 ng umaga nito lamang Biyernes, Oktubre 9, 2026 sa Campo National High School, Barangay Campo, Paglat, Maguindanao del Sur.

Ito ay pinangunahan ni PEMS Adil K. Lembak, MESPO, sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Lou Christian E. Villones, bilang bahagi ng aktibidad, sinuri ang mga bag at gamit ng mga mag-aaral bago pumasok sa paaralan. Pinayuhan din ng mga pulis na huwag magdala ng anumang nakamamatay na armas o matutulis na bagay sa loob ng paaralan.

Samantala, pinaalalahanan din ang mga kasapi ng BPATs na isuot ang kanilang uniporme habang naka-duty upang mapanatili ang kaayusan, wastong asal, at propesyonalismo sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Patuloy na isinusulong ng Paglat MPS ang pakikipagtulungan sa mga BPATs at pamunuan ng paaralan upang mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral at kawani ng paaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *