Catanduanes 1st PMFC at PNP Class 2021-02 SINBAGSIK, nagsagawa ng outreach program sa Virac

0
843315248_972454292076492_3350241932676613617_n

Nagsagawa ng joint outreach program ang mga tauhan ng Catanduanes 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), sa pangunguna ni Pat Janette Belardo, katuwang ang mga miyembro ng PNP Class 2021-02 SINBAGSIK na pinamumunuan ni Pat Ariane J. T. Padayao, noong Oktubre 9, 2026, alas-9 ng umaga sa Barangay Cabihihan, Virac, Catanduanes.

Bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng ikalimang anibersaryo ng kanilang serbisyo sa Philippine National Police (PNP). Namahagi ang grupo ng mga food pack at kagamitang pangkulay sa mga bata upang maghatid ng kasiyahan at makatulong sa kanilang mga pangangailangan.

Layunin ng programa na palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, itaguyod ang pagkakaisa at pakikipagkapwa, at isulong ang prinsipyong “Makatao” sa pamamagitan ng mga makabuluhang gawaing panglingkod-bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *