Leyte PPO, pinaigting ang Checkpoint Operations sa buong lalawigan
Pinaigting ng pamunuan ng Leyte Police Provincial Office (LPPO), sa pamumuno ni PCOL CELERINO M SACRO JR, Provincial Director, ang checkpoint operations sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang mapalakas ang police visibility, maiwasan ang mga paglabag sa batas, at mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa mga komunidad.
Isinasagawa ang mga checkpoint sa mga pangunahing lansangan at estratehikong lugar alinsunod sa itinakdang protocols ng PNP, habang tinitiyak ang maayos, magalang, at naaayon sa batas na pakikitungo sa mga motorista at mamamayan.
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na checkpoint operations, layunin ng Leyte PPO na mapigilan ang mga krimen, matukoy ang mga kahina-hinalang aktibidad, at higit pang mapalakas ang seguridad sa buong lalawigan.