Isabela PPO, naghatid ng tulong sa mga residente ng Cabisera 10

0
846927675_1644949657020304_1773297783384215766_n

Pinaigting ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang ugnayan nito sa komunidad sa pamamagitan ng pagbisita ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Team sa Barangay Cabisera 10 noong Oktubre 13, 2026, na sinabayan ng pamamahagi ng mga kagamitang pantulong sa mga nangangailangang residente.

Pinangunahan nina PMAJ Francis Pattad, Acting Force Commander ng 1st IPMFC, at PCPT Scarlette M. Topinio, Chief PIO/IORC, kasama ang mga tauhan ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), ang pagbisita sa R-PSB Team na pinamumunuan ni PCPT Samuel B. Coloma Jr. Layunin ng aktibidad na subaybayan ang mga programang pangkomunidad at matiyak ang patuloy na paghahatid ng serbisyong pangkapayapaan at pangkaunlaran.

Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi ng mga kagamitang pampalakasan mula sa SK Federation President ng Lungsod ng Ilagan, gayundin ng tatlong wheelchair at isang walker mula sa Department of Health (DOH) Region 2. Ipinagkaloob ang mga wheelchair sa tatlong benepisyaryo, kabilang ang Barangay Health Center, habang ang walker ay ibinigay sa isang 80-anyos na residente. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa tulong na inaasahang makatutugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ayon kay PCOL Manuel B. Bringas, Provincial Director ng IPPO, ang tunay na serbisyo ng kapulisan ay hindi lamang nasusukat sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapatupad ng batas, kundi pati sa pagtugon sa pangangailangan ng komunidad. Binigyang-diin niya na sa pamamagitan ng mga programang pangkomunidad, patuloy na pinatutunayan ng kapulisan ang papel nito bilang katuwang sa pagtataguyod ng kapakanan, dignidad, at kaunlaran ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *