La Paz MPS, nagsagawa ng Anti-Bullying at Safe Spaces Act lecture sa Guevara National High School

0
Police-Officer-Addresses-an-Engaged-Classroom

LA PAZ, Tarlac — Nagsagawa ang mga tauhan ng La Paz Municipal Police Station ng school visitation at lecture hinggil sa pag-iwas sa bullying at Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) para sa mga mag-aaral ng Grade 7 ng Guevara National High School sa Barangay Guevara, La Paz, Tarlac, noong Oktubre 13, 2026, dakong alas-2:30 ng hapon.

Pinangunahan ni PCMS Dante Dela Cruz, CAD PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Albert A. Pascua, Acting Chief of Police, ang aktibidad na bahagi ng OPLAN BES (Bisita Eskwela) “I Am Strong,” na nagtataguyod ng pagiging matalino, may talento, responsable, masunurin, mabait, at may takot sa Diyos. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral sa pangunguna ni School Principal Alexander R. Amigo.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pag-iwas sa bullying at pagsusulong ng ligtas, maayos, at magiliw na kapaligiran sa paaralan. Patuloy namang sinusuportahan ng La Paz MPS ang mga programang pangpaaralan para sa kapayapaan, kaligtasan, at kapakanan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *