Checkpoint operation, mas pinaigting sa Malinao, Albay

0
850640092_1430154859307686_5271501611794535182_n

Mas pinaigting ng mga tauhan ng Malinao Municipal Police Station, sa pangunguna ni PEMS Jorlan Moses Arcega, Team Leader, sa ilalim ng liderato ni Police Major Edito Raymund B Torre, Officer In-Charge, ang checkpoint operation sa Brgy. Balading, Malinao, Albay nito lamang gabi ng Oktubre 14, 2026.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapalakas ang presensya ng pulisya, maiwasan at mapigilan ang mga kriminal na aktibidad, maipatupad ang mga batas trapiko at umiiral na lokal na ordinansa, at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga motorista, pasahero, at commuters.

Nanawagan naman ang mga awtoridad na sumunod sa mga alituntunin ng naturang checkpoint operation at ihanda ang mga kaukulang dokumento tulad ng driver’s license at iba pa upang maiwasang maabala sapagkat ang kapulisan ay pinapatupad lamang ang batas upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *