Bulacan 1st PMFC, pinaigting ang seguridad sa paaralan sa pamamagitan ng bisita eskwela
Patuloy na isinusulong ng mga tauhan ng 2nd Maneuver Platoon ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang kaligtasan at seguridad sa paaralan sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa ng Bisita Eskwela sa Colegio de Calumpit, na matatagpuan sa MacArthur Highway, Barangay Iba O’Este, Calumpit, Bulacan.
Sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL NORHEDA G. USMAN, Acting Force Commander, layunin ng aktibidad na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani ng paaralan, gayundin ang pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa loob at paligid ng paaralan.
Sa pamamagitan ng patuloy na presensya ng kapulisan, pinatitibay ng Bulacan 1st PMFC ang pakikipagtulungan nito sa mga institusyong pang-edukasyon upang makalikha ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa pag-aaral at pagtuturo.