Mga batang Scout sa Benguet, hinubog sa disiplina at kahandaan ng RMFB15
Pinalawak ng mga tauhan ng Technical Support Company (TSC), Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15), ang kaalaman ng 40 batang Scout ng Don Pulas Elementary School sa La Trinidad, Benguet sa pamamagitan ng mga lecture tungkol sa Anti-Bullying at Disaster Preparedness and Survival Skills noong Oktubre 28, 2026. Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Barnard Bone F. Navarra.

Binigyang-diin sa mga talakayan ang kahalagahan ng kabutihang-asal, paggalang, at disiplina upang maiwasan ang bullying at maisulong ang ligtas at positibong kapaligiran sa paaralan. Tinuruan din ang mga mag-aaral ng mahahalagang kaalaman at praktikal na kasanayan upang mapangalagaan ang kanilang sarili at maging handa sa pagharap sa mga emergency at kalamidad.
Sa pamamagitan ng mga programang pang-edukasyon tulad nito, patuloy na ipinakikita ng RMFB15 ang malasakit sa kabataan sa pamamagitan ng pagsusulong ng kanilang kaligtasan, kamalayan, at kahandaan, habang nakikiisa sa pagbuo ng mas ligtas, matatag, at handang komunidad.
Source: PNP TSC RMFB15 (https://www.facebook.com/share/p/14wEEWrDe4w/)