Kapulisan at Barangay Tanod, nagkaisa sa pagbabantay sa seguridad ng paaralan sa Valenzuela City
Patuloy ang pagtutulungan at pagbabantay ng ating mga kapulisan at Punong BarangayBuding Alcairo Balajadia, kasama ang mga Barangay Tanod, upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa kanilang pagpasok at pag-uwi sa paaralan sa Brgy. Ugong, Valenzuela City.
Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan, maiwasan ang anumang insidente, at masiguro ang ligtas at maayos na paglalakbay ng ating mga estudyante.
Maraming salamat sa ating mga kapulisan, mga Barangay Tanod, at sa lahat ng katuwang ng Barangay Malinta sa patuloy na paglilingkod para sa kaligtasan ng ating mga kabataan.