Kapulisan at komunidad, nagkaisa sa NPPH Mass Blood Donation

0
viber_image_2026-10-30_14-19-56-601

Nagkaisa ang kapulisan at komunidad sa pagbahagi ng malasakit at diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng pakikiisa sa NPPH Mass Blood Donation na inorganisa ng Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) sa Barangay Poblacion, Taytay, Palawan, nitong October 27, 2026.

Layunin ng aktibidad na makatulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan ng pagsasalin ng dugo, gayundin ang pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng boluntaryong pagdo-donate ng dugo bilang isang makabuluhang paraan ng pagliligtas ng buhay.

Ang naturang aktibidad ay sumasalamin sa kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan, kasama ang iba pang nga sektor at higit sa lahat ang bung konunidad upang maitaguyod ang isang malusog, ligtas, at nagkakaisang pamayanan.

Sa pamamagitan ng parehong programa, mas nabibigyang pansin ang sama-samang hangarin at layunin upang matiyak ang kalusugan ng bawat isa, malasakit sa kapwa, at matibay na ugnayan sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *