Force Multipliers, nakiisa sa Clean-up Drive Activity sa Eastern Samar

Eastern Samar – Nakiisa ang mga Force Multipliers sa isinagawang Clean-up Drive Activity sa Municipal Hall, Dolores, Eastern Samar nito lamang Sabado ng umaga Agosto 5, 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga Mineral Environment & Natural Resources Office, Barangay Tanod, Turismo, mga tauhan ng 1st Eastern Samar PMFC, BJMP, BFP at mga kawani ng Mayor’s Office.

Layunin ng nasabing aktibidad na itaas ang kamalayan sa lawak ng polusyon sa kapaligiran, tukuyin ang pinagmumulan ng mga basura at bawasan/alisin ang mga basura at debris sa mga daluyan ng tubig.

Hinihikayat naman ng naturang grupo ang komunidad na patuloy na makiisa at suportahan ang mga programang nagsusulong na mapangalagaan ang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *