Force Multipliers, nagsagawa ng Community Outreach Program sa Cebu

Boljoon Cebu – Patuloy sa paghahatid ng saya ang mga miyembro ng Force Multipliers sa pamamagitan ng Community Outreach Program sa Barangay Granada, Boljoon Cebu nito lamang ika-5 ng Agosto 2023.

Katuwang sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Boljoon Police Station sa pangunguna ni Police Captain Amory P Napoles, Officer-In-Charge, mga miyembro ng The Fraternal Order of Eagles, Central Visayas Region V, Baluarte sa Boljoon Eagles Club Officers at Isla Mactan Ecozones Eagles Club Officers.

Sa programa ay nagkaroon ng pamamahagi ng isang sako ng bigas, foodpacks na naglalaman ng mga delata at nagkaroon din ng feeding program.

Patuloy ang serbisyong nagkakaisa ng pulisya at ibang grupo upang maipaabot ang serbisyo sa mamamayan na lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *