KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting, isinagawa sa Catbalogan City
Matagumpay na inilunsad ng Advocacy Support Group ang KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting katuwang ang mga kapulisan sa Barangay Buluan, Catbalogan City, Samar nito lamang Agosto 10, 2023.
Ang aktibidad ay aktibong sinuportahan ng mga Barangay Officials, na pinamumunuan ni Hon. Jaime R. Nabaunag, Barangay Chairman kasama ang mga residente, mga religious leader ng barangay, Barangay Peacekeeping Action Team, Barangay Health workers, 4Ps members, youth sector, women’s sector at fisher folks.
Kasabay rin sa aktibidad ay ang International Day against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) at Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Program. Tinalakay sa aktibidad ang pagpapatupad ng DILG Memorandum Circular 2023-025, ang BIDA Program, at ang papel ng komunidad sa pag-iwas sa Droga upang maibahagi ang kamalayan sa komunidad, lalo na sa mga kabataan.
Nagbahagi naman si Ptr. Sean Mikko Violen, Faith-Based Volunteer ng moral transformation lecture bilang supporta sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program.
Ang naturang aktibidad ay isang programa na nagtutugma sa mga pagsisikap ng pulisya, komunidad at sektor ng relihiyon para sa isang mas holistic at values-oriented na pagbabago sa komunidad.