Basic Arresting Technique at Self-Defense Training, isinagawa sa Biliran

Naval, Biliran – Matagumapy na isinagawa ng mga Force Multipliers ang Basic Arresting Technique at Self-Defense Training sa Brgy. Villacaneja, Naval, Biliran nito lamang Agosto 8, 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga Barangay Tanod at iba’t ibang ahensya katuwang ang mga kapulisan ng Naval Municipal Police Station.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na pahusayin at bigyan ang mga kalahok ng mga kasanayan at kaalaman na kinakailangan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *