Graffiti Clean-Up Drive at Mural Painting, isinagawa ng Force Multipliers sa Cebu City
Nagsagawa ng Graffiti Clean-Up Drive at Mural Painting ang mga miyembro ng Force Multipliers ng Cebu City sa Archbishop Palace, Jakosalem St., Cebu City nito lamang Miyerkules, Pebrero 22, 2023.
Pinangunahan ng mga miyembro ng Alpha Kappa Rho Cebu Supreme Council sa pakikipagtulungan sa Local School Board, Parks at Playgrounds ng Office of the Cebu City Mayor ang naturang aktibidad na kung saan ang mga ilang bahagi ng pader sa kahabaan ng Jakosalem Street ay kanilang nilinis at pininturahan upang makamit ang layuning “Singapore Like” Cebu City ni Mayor Mike Lopez Rama.
Masugid din na sinuportahan ng mga tauhan ng Cebu City Police Office ang aktibidad sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Albert Reeves Quilitorio, Chief ng City Community Affairs and Development Unit.
Ang nasabing clean-up drive ay bahagi ng kanilang kampanya laban sa bandalismo, na kung saan, bukod sa mga paglilinis ay patuloy na pinapaalala ng mga mga kapulisan ang patungkol sa Anti-Vandalism Ordinance of 2018 na kung saan ang mga mahuhuling lalabag sa ordinansa sa ikatlong pagkakataon ay maaring maharap sa multang Php5000.00 o pagkakulong ng nasa walong buwan hanggang isang taon.
Ang programang ito ay naglalayong magtatag ng isang malinis na lungsod na naaayon sa misyon at bisyon ng Pamahalaang Lungsod ng Cebu City na isang maayos, mapayapa, maunlad, at ligtas na pamayanan.