Tree Planting Activity, isinagawa ng Advocacy Support Groups sa Banayoyo, Ilocos Sur

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang iba’t-ibang grupo ng Binnuyog Banayoyo Ladies Association (BBLA), Kabataan Kontra Droga at Terorismo, LGBTQ+ members, at Miss Banayoyo 2023 katuwang ang Banayoyo MPS sa Brgy. Bagbagotot, Banayoyo, Ilocos Sur nito lamang Pebrero 23, 2022.

Katuwang ng mga grupo at Advocacy Support Groups sa aktibidad ay ang Banayoyo PNP na pinapangunahan ni Police Captain Melvin G Trinidad, Officer-in-Charge.

May kabuuang 50 piraso ng puno ng fruit bearing trees ang naitanim ng grupo sa naturang barangay.

Hinihikayat ng grupo ang ibang miyembro ng komunidad na bigyang pansin at pahalagahan ang pagtatanim ng mga puno dahil malaking tulong nito sa ating kalikasan para maiwasan ang pagguho ng lupa lalo na sa mga panahon ng sakuna at kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *