Pulong-pulong kontra terorismo isinagawa sa Misamis Occidental

Isinagawa ang pulong-pulong kontra terorismo sa mga miyembro ng Indigenous People Community na ginanap sa Indigenous Community Center, Brgy. Carmen Jimenez, Misamis Occidental nito lamang Pebrero 22, 2023.

Dito tinalakay ng mga tauhan ng Revitalized Pulis sa Barangay Misamis Occidental ang masamang dulot ng pagsali sa Communist Terrorist Group. Ipinaliwanag din sa aktibidad ang KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan Program.

Layunin nito na bigyan ng kaalaman ang mga lumahok sa nasabing aktibidad upang hindi malihis ang landas at ma-recruit ng makakaliwang grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *