PNP-TESDA Livelihood Training, isinagawa sa Tubungan, Iloilo
Iloilo – Nagsagawa ng PNP-TESDA Livelihood Training ang mga miyembro ng TESDA Iloilo Provincial Office sa Barangay Mayang, Tubungan, Iloilo nito lamang ika-20 ng Setyembre 2023.
Katuwang sa aktibidad ang 1st Iloilo Provincial Mobile Force Company at inorganisa ang mga training ukol sa Pagpapalabas ng Organic Concoctions.
Kasama sa mga kalahok sa pagsasanay ang mga magsasaka, mga kasapi ng PNP, at mga opisyal ng barangay.
Sa naturang pagsasanay ay tinuruan ang 70 na magsasaka at mga kasapi ng PNP kung paano gumawa ng fermented fruit juice, fermented plant juice, at natural attractant para sa mga lumilipad na insekto bilang organic fertilizers.
Layunin ng pagsasanay na ito na matulungan ang ating mga magsasaka na makatugon sa mabilis na pagtaas ng presyo ng komersyal na pataba, kaya naman sila ay magsasagawa ng ligtas na paraan para sa pag-aani ng organikong gulay para sa kanilang pamilya at sa buong komunidad.
Sa tulong ng mga ganitong pagsasanay, inaasahan na mas mapapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka na makapag-produce ng masustansiyang pagkain na magbibigay ng magandang epekto sa kalusugan ng komunidad at ekonomiya ng Tubungan, Iloilo.