KKDAT nakiisa sa isinagawang Tree Planting Activity sa Bauco, Mt. Province
Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)- Bauco Chapter sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sitio Kilkili, Guinzadan, Bauko, Mt. Province, nito lamang Setyembre 23, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Bauco, sa pangunguna ni Honorable Mayor Randolf T Awisan, mga tauhan ng Bauco Municipal Police Station at iba pang volunteers. Sama-samang nagtanim ang mga nasabing grupo ng 210 na pine tree seedlings, bilang pagdiriwang sa 123rd Philippine Civil Service Anniversary, na may temang “Transforming the Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future- ready Servant-Heroes”.
Layunin ng aktibidad na hikayating makiisa ang bawat mamamayan sa pangangalaga ng yamang kalikasan at para maiwasan ang mga kalamidad na dulot ng soil erosion.