Community Outreach Program, isinagawa sa Amulung, Cagayan

Nagbigay saya sa mga residente ng Barangay Logung , Amulung, Cagayan ang Community Outreach Program na isinagawa ng Advocacy Support at Amulung PNP noong September 22, 2023 Umabot sa 85 na benepisyaryo ang nabiyayaan ng libreng gupit , vegetable seedlings, nabigyan ng mga foodpacks at nagkaroon ng feeding program.

Matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad sa tulong ng My Brother’s Keeper Life Coach, barangay officials, mga kawani ng Municipal Social welfare and Development Office, at mga tauhan ng Regional Mobile Force Company 2.

Patuloy ang grupo katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay at pagpapaabot ng serbisyo sa mamamayan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lipunan, gayundin upang makapagbigay saya at tulong sa mga nangangailangan.

Source: Amulung PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *