Force Multipliers nakiisa sa Livelihood Training sa San Clemente, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Macondry Riders Group sa isinagawang pagsasanay sa paggawa ng dishwashing liquid para sa mga mamamayan ng Barangay Maasin, San Clemente, Tarlac nito lamang Huwebes , ika-21 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng San Clemente Municipal Police Station kasama ang mga miyembro ng Faith Based Advocacy Support Group, LGBTQ at Maasin Women’s Alliance.

Tinuruan ang mga mamamayan sa paggawa ng dishwashing liquid kung saan maaari nila itong gawing negosyo na makakatulong sa kanilang pamumuhay. Sinisiguro ng mga miyembro Force Multipliers na patuloy ang kanilang suporta sa mga programa ng PNP lalo na sa ikakabuti ng pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *