Unity Walk at Peace Covenant Signing para sa BSKE 2023, isinagawa sa Roxas City, Capiz
Roxas City – Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Unity Walk at Peace Covenant Signing para sa Barangay at SK Elections 2023 na ginanap sa Roxas City Capiz noong ika-25 ng Setyembre 2023.
Pinangunahan Commission on Elections na pinamumunuan ni Atty. Rommel G. Benliro, ang COMELEC Officer IV kasama ang kapulisan at mga inimbitahang ahensya mula sa DILG, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard, dumalo din si Police Colonel Jerome D. Afuyog Jr, ang Provincial Director ng Capiz PPO at mga kandidato mula sa 47 barangay ng Roxas City.
Ang Unity Walk, na nagsimula mula sa Roxas City Police Station at nagtapos sa Robinson’s Mall.
Layunin ng grupo na itaguyod ang espiritu ng paligsahan at kooperasyon sa kabila ng matinding kompetisyon sa lahat ng mga nag-aambisyon sa pulitika.
Dagdag pa, mga mensahe ng pagbati, gabay, at panalangin ay iniharap ng mga kagalang-galang na panauhin upang tiyakin na ang lahat, lalo na ang mga kandidato, ay nakaayon sa misyon na magkaruon ng ligtas at mapayapang pagdaraos ng BSKE 2023.
Ang Peace Covenant ay nilagdaan ng lahat ng mga dumalo, sa salita at gawa, bilang kanilang garantiya na pangalagaan ang kapayapaan at igalang ang resulta ng halalan sa darating na ika-30 ng Oktubre 2023.