Kusgan Volunteers, nakilahok sa Tree Planting Activity

Aktibong nakilahok ang Kusgan Volunteers sa isinagawang tree planting activity sa Sitio Cala Cala, Barangay Macasandig, Cagayan de Oro City nito lamang umaga ng Setyembre 23, 2023.

Ang naturang tree planting acitivity ay may temang “Kalikasan, Kinaiyahan Ating Ampingan para Kusgan” na dinaluhan ng iba’t ibang grupo gaya ng Regional Medical and Dental Unit 10, Force Multipliers, at mga stakeholders.

Matagumpay na naitanim ang 200 bamboo at teak trees sa nabanggit na lugar. Ito ay para sa pagpapaganda ng kagubatan at maibsan ang masamang epekto ng climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *