Advocacy Support Group, nakilahok sa Community Outreach Program sa Antique
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng advocacy support group sa isinagawang Community Outreach Program sa Villa Salomon, Patnongon, Antique nito lamang ika-15 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Patnongon Municipal Police Station ang aktibidad katuwang ang Municipal Advisory Council on Police Transformation and Development (MAC-PTD), Patnongon Multi-Purpose Cooperative, 1st Antique First Mobile Force Company, mga Advocacy Support Groups mula sa Citizen Crime Watch, Federation of Bantay Bayan Visayas Region, Federation of Fraternities and Sororities sa Patnongon, Bureau of Fire Patnongon, anchor at mga reporter ng 102.1 Real Boss Radio, mga Opisyal at Kawani ng Pamahalaang Munisipal, KKDAT Patnongon, mga Brgy. Opisyal, at mga residente ng Villa Salomon sa Patnongon, Antique.
Isinagawa ang pagtatanim ng isandaang limampung (150) puno ng prutas sa burol ng Barangay Villa Salomon na sinundan ng Feeding Program kung saan tinatayang tatlumpu (30) na mga bata ang nakinabang.
Ang programa ay naisakatuparan sa tulong ng PNP, Federation of Bantay Bayan Visayas Region, at iba pang mga samahan at volunteers.
Isinagawa rin ang Awareness Lectures, pamamahagi ng mga kendi, at mga flyers mula sa mga tauhan ng Patnongon MPS, 1st APMFC, Patnongon MPC, LGU Patnongon, at Real Boss.
Naging mga paksa ng mga lectures ang kamalayan sa kalikasan, ilegal na droga, anti-terrorism, Good Touch at Bad Touch, VAWC, pang-aabuso sa sekswal, at pagsusulong ng mga bata na mag-ipon para sa kanilang kinabukasan. Bukod dito, nagkaruon din ng libreng gupit para sa mga bata ng nasabing barangay.
Patuloy ang grupo katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno sa pagkakaisa at pagkilos ng mga ganitong gawain upang maging mas malakas ang pwersa ng komunidad para sa kaunlaran at pag-aalaga ng kalikasan.