KKDAT nakiisa sa Community Outreach Program sa San Clemente, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) sa isinagawang Community Outreach Program sa Sitio Poquis, Barangay Maasin, San Clemente, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-14 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ito ng mg tauhan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ford B Sudaypan, Force Commander. Sa aktibidad ay nagkaroon ng pagsasanay sa paggawa ng dishwashing liquid, pamimigay ng school supplies sa mga bata at feeding program.

Ang aktibidad ay naglalayong makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga nakatira sa liblib at malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *