Brgy. Based Support Group, nakiisa sa Clean-Up Drive Activity sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga Barangay Based Support Group sa isinagawang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Del Pilar, Maydolong, Eastern Samar nito lamang Sabado ng umaga, ika-14 ng Oktubre 2023.

Kasama sa aktibidad ang mga tauhan ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company at mga residente ng nasabing lugar.

Ang naturang mga grupo ay sama-samang nagwalis sa kalsada, nagdamo at nagtanggal ng mga plastic wastes na nagdudulot ng pagbara at pagbaha tuwing umuulan.

Layunin nitong hikayatin ang mamamayan na panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran para maiwasan ang mga sakuna at sakit lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *