KKDAT, nakapagbigay ng ngiti sa Agta Community sa Gattaran Cagayan
Nagbigay saya sa Agta Community ang mga grupo ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa pamamagitan ng kanilang “Project Parabur” sa Brgy. Capissayan Norte, Gattaran, Cagayan noong ika-21 ng Disyembre 2023.
Ang mga nasa sektor ng kabataan, bagama’t mga bata pa lamang at nag-aaral ay nakakatulong na sila sa mga mamamayan sa pamamagitan ng kanilang inisyatibo at mga programa para makatulong sa kapwa-tao.
Ang napiling tulungan ng mga KKDAT ang mga nasa Agta Community para makapagbigay ng ngiti at saya ngayong panahon ng kapaskuhan. Nakatanggap ng mga grocery packs ang nasa 30 na mga pamilya at nakapagsagawa din ng feeding activity sa halos nasa 100 na mga bata sa nasabing aktibidad.
Bukod pa dito, nakatanggap din sila ng mga loot bags at iba pang mga papremyo tulad ng tumblers at mga cash prizes na sadyang ikinatuwa ng mga bata. “Masaya kaming mga nasa panig ng kabataan dahil nakikita naming may napapasaya kami at natutulungan, nakakapagsagawa kami ng mga community outreach program sa tulong ng mga kapulisan ng Cagayan Police Provincial Office, aasahan ninyong ipapagpapatuloy namin ang aming adbokasiya upang mas lalo pang dadami ang aming matulungan” sabi naman ng Provincial KKDAT President na si Mr. Jaypee Pagulayan sa kanyang mensahe.
Patuloy naman ang paghihikayat ng grupo sa mga kabataan para sumali sa KKDAT upang sa ganoon ay mailayo ang mga ito na gumawa ng mga iligal na gawain lalo na ang pag-iwas na sumanib sa mga makakaliwang grupo.
Source: Cagayan Police Provincial Office