BADAC Meeting at Gift Giving Activity, isinagawa sa San Juan City

Nagsagawa ng isang makabuluhang pagpupulong ang mga miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa Barangay Hall ng Batis, San Juan City nito lamang hapon ng Huwebes, Disyembre 21, 2023.

Ang akitibidad ay pinangunahan ni G. Anthony Tecson, CADAC Focal Person at Ms. Ivy Valeros, CADAC Staff kasama ang iba pang Barangay Officials. Katuwang din dito ang kapulisan mula sa San Juan City Police Station na naging mga tagapagsalita din.

Ang BADAC Meeting ay naaayon sa Drug Reduction Program 2023. Kasabay din nito ang Gift Sharing sa mga Person Who Used Drugs (PWUDS) na nakaangkla sa Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) Program na inorganisa ni Hon. Dino Geneston, Chairman, Brgy. Batis kasama ang CADAC San Juan.

Nilahukan ito ng 30 na PWUDs ng naturang barangay na isa sa mga dahilan upang palawigin ang misyon ng BIDA program na tulungan at bawasan ang paglaganap ng droga sa Pilipinas sa pamamagitan ng Recovery and Wellness Program/Community Based Drug Rehabilitation Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *