Community Outreach Program, isinagawa sa Sultan Kudarat
Sultan Kudarat – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga kawani ng Local Government Unit ng Kalamansig at PNP sa Barangay Nalilidan, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang Martes, Enero 9, 2024. Nanguna sa naturang programa sina Hon. Hon. Joaquin T Concha, Kalamansig Municipal Mayor, at PMaj Heilbronn G Okoren, Hepe ng Kalamansig Municipal Police Station na kung saan higit-kumulang 300 residente ng nasabing lugar ang dumalo at naging benepisyaryo ng programa.
Nahandugan ng libreng damit, food packs, at feeding program ang mga naturang benepisyaryo.
Bukod pa dito, nagkaroon din ng talakayan patungkol sa NTF-ELCAC na itinuro ng PNP.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Kalamansig sa paghahatid ng mga dekalidad na serbisyo sa malalayong lugar sa tulong na rin ng programa ng ating gobyerno na Retooled Community Support Program (RCSP) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).