BPATS, nakiisa sa isinagawang Medical Mission at Clean-up Drive sa GenSan

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peace Action Teams (BPATs) sa inilunsad na Medical Mission at Clean-up Drive sa Purok Tinago, Brgy. San Isidro, General Santos City nito lamang Enero 26, 2024.

Umabot sa mahigit 200 residente ang naging benepisyaryo at natulungan ng naturang programa. Taos-pusong pasasalamat ang naging tugon ng mga naging benepisyaryo dahil sa iba’t ibang serbisyo kanilang natanggap gaya ng feeding program, libreng medical check-up, pamamahagi ng pares ng mga tsinelas, gamot at mga bitamina.

Matagumpay na naisakatuparan ang nasabing programa sa pangunguna ng mga kawani ng LGU-Gensan katuwang ang mga tauhan ng AFP, PNP, City Health Office, at mga iba pang pribadong grupo at stakeholders.

Tiniyak naman ng mga nasabing lingkod bayan na patuloy silang maghahatid ng dekalidad na serbisyo para sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *