Barangay Based Advocacy Group, nagsagawa ng Clean-up Drive

Nagsagawa ang Barangay Based Advocacy Group ng Clean-up Drive sa pangunguna ni Hon. Roderick Carag, Punong Barangay sa kahabaan ng kalsada ng Barangay Alimanao, Peñablanca, Cagayan noong Enero 28,2024.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga masisigasig na tauhan ng Peñablanca Police Station sa pangunguna ni PCpl Genevieve Lacambra.

Ang isinagawang paglilinis ay bahagi ng project NAREN o “Nurturing And Restoring the Environment for the Next United Generation” na naglalayong panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

Ang aktibidad ay bilang pagsuporta sa Enhanced National Greening program ng pamahalaan at ang mga kasapi ng Barangay Based Advocacy Group ay patuloy na magsasagawa ng gawaing pang kapaligiran katuwang ang kapulisan na mabibigay ng maayos at ligtas na pamayanan.

Source: Peñablanca PS Cagayan PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *