Clean-up Drive at Feeding Program, idinaos
Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers ang Clean-up Drive at Feeding Program na isinagawa sa Barangay 13, Tacloban City, Leyte nito lamang ika-14 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Police Regional Office 8 at nilahukan ng Philippine Army, Philippine Coast Guard, mga opisyales ng barangay, Fishery Law Enforcement Team, Salaam Police Advocacy Group, Public Assistance for Rescue, Disaster and Support Services (PARDSS) at mga Criminology Students.
Sako-sakong mga basura ang nahakot ng grupo kabilang na ang mga plastics cups at wrappers na siyang nagiging polusyon sa kapaligiran at sinundan naman ito ng Feeding program para sa mga kalahok at residente ng nasabing barangay.
Ang gawaing ito ay pakikiisa sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungo sa makakalikasan at tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating bansa tungo sa Bagong Pilipinas.