KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting, inilunsad sa Malinao Albay

Malinao, Albay- Inilunsad ng mga Faith Based Leaders ang KASIMBAYANAN Weekly Inter-Active Meeting sa Barangay sa Barangay Jonop, Malinao, Albay nito lamang Biyernes ika-3 ng Marso 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastora Daisy K. Del Carmen, Faith Based Group Leader katuwang ang mga personahe ng Malinao Municipal Police Station kasama ang mga residente ng nasabing lugar.

Sa naturang aktibidad ay tinalakay ng Malinao PNP ang mga batas patungkol sa Peace and Order ng bayan ng Malinao, RA 9262, Gender Equality, at Crime Prevention.

Layunin ng aktibidad na ito na mas mabigyang kaalaman ang ating mga kababayan upang magsilbing suporta ng ating kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *