40 Fruit Bearing Trees, itinanim ng Advocacy Support Group sa Tayug Pangasinan

Tayug, Pangasinan – Pinangunahan ng Advocacy Support Group ang Tree Planting Activity sa Paaralan ng Panganiban Elementary School, Tayug Pangasinan nito lamang ika-03 ng Marso 2023.

Katuwang ng Advocacy Support Group sa nasabing aktibidad ay 2nd Provincial Mobile Force Company na pinangunahan ni Police Colonel Haron Rasid R Ali.

May kabuuang 40 na pirasong puno ng Fruit Bearing Trees ang naitanim ng grupo sa naturang barangay.

Layunin ng programa na maibalik ang kagandahan ng ating kalikasan at hinihikayat din ng grupo ang mga nakilahok na makiisa din sa mga programa ng gobyerno lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *