PBBM, maglalaan ng Php31 Bilyong peso para sa National Rice Program sa taong 2024
Tinatayang nasa kabuuang Php31 Bilyong peso ang inilalaan ng pamahalaan para sa National Rice Program ngayong taon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gagamitin ang naturang pondo para sa iba’t ibang programa sa sektor ng agrikultura gaya ng production support, research and development, extension services at irrigation network services.