Mga taong lansangan, isinama na ni PBBM sa DSWD Pag-abot Program

Mas pinalakas ng pamahalaan ang pagtulong sa mga homeless o sa mga nakatira sa lansangan sa ilalim ng Pag-abot Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kasunod ito ng inilabas na Executive Order No. 52 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may layunin na mailayo ang street dwellers at iba pang mahihirap na nasa kalsada at matulungan ang mga ito na maging produktibong miyembro ng lipunan.

Ayon pa sa pangulo, bukod sa tulong pinansyal ay mayroon ding relocation, transitory shelter assistance, livelihood at maging ng employment assistance at psychosocial support para sa mga benepisyaryo ng programa.

Bukod pa rito, sa ilalim ng naturang EO ay magkakaroon ng Inter-Agency Committee upang matiyak ang implementasyon ng programa na pamumunuan ng Kalihim ng DSWD habang magsisilbing Vice Chairman naman ang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government.

Ang Pag-abot Program ay bahagi ng mga programa ng administrasyon upang tugunan ang United Nations Sustainable Development Goal No. 1 na sugpuin ang kahirapan sa bansa at magpatupad ng mga social protection program para sa mga mahihirap na sektor ng lipunan.

@gmanews

Mas pinalawak ni Pangulong Bongbong Marcos ang sakop ng “Pag-abot Program” ng DSWD — mabibigyan na rin ng benepisyo ang mga street dweller o nakatira sa kalsada. #GMAIntegratedNews #24Oras #SocialNewsPH

♬ original sound – GMA News – GMA News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *