BPATs, nakiisa sa pagpapatupad ng City Ordinance at Anti-Criminality Measure

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa isinagawang police presence upang ipatupad ang City Ordinance sa Tabuk City, Kalinga noong ika-19 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Tabuk City Police Station kasama ang mga miyembro ng BPATs/Tanod.

Layunin ng aktibidad na ipatupad ang mga alituntunin sa ordinance and Anti-Criminality campaign bilang bahagi ng pangangalaga sa kaligtasan ng mamamayan at upang pigilan ang pag-usbong ng krimen sa nasabing lugar. Ang pakikipagtulungan ng BPATs at kapulisan ay nagpapakita ng kahalagahan ng komunidad sa pagsusulong ng mas ligtas at maayos na kapaligiran.

Ito’y isang huwarang modelo ng pagkakaisa at koordinasyon sa pagitan ng mga sibilyan at awtoridad para sa kabutihan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *