Force Multipliers, nakilahok sa Bloodletting Activity
Nakilahok ang mga miyembro ng Force Multipliers sa Bloodletting Activity at Turnover ng mga Wheelchairs na ginanap sa Robinsons Place, Iloilo City nito lamang ika-26 ng Marso 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Iloilo City Police Office na dinaluhan naman ng mga tauhan ng AFPSLAI, mga miyembro ng Golden Salakot Eagles Club Guimaras Chapter sa pangunguna ni Kuya Henry Longno, Philippine Army, Media at mga miyembro ng Force Multiplier na KIF-ACO Solid 1.
Dumaan sa iba’t ibang pagsusuri ang mga blood donors na isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Red Cross Iloilo Chapter upang masiguro na sila ay kwalipikadong magbigay ng dugo at may kabuuang 150 na blood donors ang matagumpay na nakuhanan ng dugo.
Nagbigay din ng 20 mga wheelchairs ang Iloilo City Police Office, APSLAI at Golden Salakot Eagles Club sa mga PNP Survivors at Pensioners.
Ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa mga ganitong aktibidad ay nagbibigay ng pag-asa sa mga kababayan natin na lubos na nangangailangan.
Source: PCADG Western Visayas
Panulat ni Julius