Bloodletting activity, isinagawa ng Coron Rural health
Nagsagawa ang Coron Rural Health ng Bloodletting Activity na may temang “Dugtong Buhay sa Dugong Alay” sa Barangay Poblacion 2, Coron, Palawan nito lamang Abril 14, 2024.
Ang aktibidad na ito ay nilahukan ng 2nd Palawan PMFC, Philippine Coast Guard, RHU Coron at Culion Sanitarium Hospital.
Layunin ng aktibidad na makapagdugtong ng buhay sa mga pasyenteng Palaweño na nangangailangan ng immediate blood transfusion na nasa iba’t ibang ospital ng lalawigan ng Palawan.
Ang ating gobyerno ay hindi nagpapabaya na maghatid ng tulong at makapagbigay ng dagdag na buhay para sa ating mga kababayan
Source: 2nd Palawan PMFC