SMPII, nagsagawa ng Community Outreach Program

Nagsagawa ang Sangguniang Masang Pilipino International Incorporated (SMPII) ng isang makabuluhang Community Outreach Program sa Riverside Barangay Barandal, Calamba City, Laguna nito lamang Linggo, Abril 14, 2024.

Ang programa ay pinangunahan ni Mr. Manny Medrano Ragunton, Presidente ng SMPII, kasama ang Barangay Officials ng Barangay Barandal, Calamba CPS at RPCADU 4A sa pamumuno ni PCol Meldrid E Patam, Chief ng RPCADU 4A.

Nasa 200 na kabataan at mga residente ang naging benepisyaryo ng grupo kung saan namahagi sila ng mga pagkain, habang ang RPCADU 4A naman ay nagbigay kaalaman patungkol sa Anti-Bullying at namahagi ng flyers para sa dagdag kaalaman ng ibang mga impormasyon na makakatulong sa kanila.

Layunin ng aktibidad ang isang matatag na samahan upang patuloy na masuportahan ang mga lubos na nangangailangan ng tulong para sa kapakanan ng mga kabataan at buong komunidad.

Source: RPCADU 4A

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *