Barangay-Based Support Group nakilahok sa Livelihood Program

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay-Based Support Group sa isinagawang
Livelihood Program sa Barangay 587 Sta. Mesa, Manila nito lamang Miyerkules, Abril 10, 2024

Ito ay pinangunahan ng kapulisan mula sa SCADS ng Sta. Mesa Police Station kasama ang Barangay 587 Council sa pamumuno ni Punong Barangay Romulo Huab.

Nagkaroon ng pagtuturo sa paggawa ng dishwashing liquid upang turuan ang bawat nanay sa pag-uumpisa sa kanilang pagnenegosyo.

Isa lamang ito sa mga paraan ng pamahalaan upang mabigyan ng trabaho ang bawat Pilipino para mapaunlad ang ekonomiya ng ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *