Dance Fitness nilahukan ng mga grupo ng kababaihan sa Caloocan City

Masayang nakihataw ang grupo ng kababaihan sa isinagawang “Zumba para kay Nanay” na ginanap sa Covered Court, Sitio Gitna, Barangay 166, Caloocan City nito lamang Sabado, Marso 4, 2023.

Kasama sa naturang aktibidad ang mga opisyales ng Barangay sa pamumuno ni Brgy. Chairman Nena Gregorio.

Katuwang din dito ang mga tauhan ng Regional Medical and Dental Unit ng NCRPO kasama ang 24SAC R-PSB sa pamumuno ni Police Captain Ian Henry N Doctor, Company Commander.

Ito din ay alinsunod sa selebrasyon ng 2023 National’s Womens Month na may temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society.”

Layunin nitong palakasin ang katawan at patibayan ang resistensya ng ating mga kababaihan at makiisa sa mga programa ng LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *